MOIRA DELA TORRE, PUMALAG SA BINTANG NA NAGTAKSIL SIYA AT MAY GHOSTWRITER PA

Hindi raw inakala ng mang-aawit na si Moira Dela Torre na mapapasok siya sa sitwasyon na kailangang ipaliwanag niya ang kaniyang desisyon na makipaghiwalay sa asawa at bigyan-katwiran ang kalagayan ng kaniyang mental health.

Inihayag ito ni Moira sa harap ng mga alegasyon na nagtaksil siya sa pagsasama nila noon ng dating asawa na si Jason Marvin Hernandez, at nagbabayad din umano ng ghostwriter para sa kaniyang mga kanta.

"I never imagined that I would find myself in a situation where I have to explain and defend my decision to leave a marriage, as well as justify the state of my mental health,” saad ni Moira bilang panimula sa kaniyang post sa Instagram.

Ayon pa kay Moira, “disheartening” na kinukuwestiyon siya at kailangan pa niyang patunayan ang sarili bilang songwriter at artist. Ngunit sa kabila nito, naramdaman niyang kailangan niyang manindigan para sa sarili at protektahan ang kaniyang integridad.

“I want to set things straight once and for all. Let me be clear: I have never employed a ghostwriter,” saad ng singer-songwriter.

Sinabi ni Moira na sa kaniyang karera, nakipag-collaborate na siya sa mga talented artists na nirerespeto ang isa’t isa at kinikilala ang kanilang mga ambag sa paglikha ng musika.

 
 

“Every song I have created is a true reflection of my deepest emotions and experiences. I am fully prepared to provide evidence that supports this truth, including screenshots of conversations and recordings of my songs, which will undoubtedly validate and disprove the harmful accusations made against me.”

Samantala, nilinaw din ni Moira ang tungkol sa hiwalayan nila ni Jason.

“I did not cheat on Jason. It is unfair that I find myself in a position where I have to defend my name and even explain why I did not deserve to be cheated on,” saad niya.

Kaya naman gusto munang pagtuunan ng pansin ni Moira ang healing, dahil sa naranasang sakit sa kaniyang puso na dulot ng bigong pagsasama nilang mag-asawa.

Aniya, mahalaga ito para sa kaniyang kapakanan, pati na rin sa mga sumusuporta at sinasamahan siya sa mga matitinding pagsubok sa kaniyang buhay, kabilang ang kaniyang pamilya, banda, mga kaibigan at iba pa.

“I hold onto hope that, one day, when the dust settles and clarity is restored, I will have the capacity to embrace a love that is faithful and genuine,” saad ni Moira.

“I take solace in the knowledge that I am Moira-an artist--who will bravely navigate these challenges and emerge stronger than ever," dagdag niya.

Sa isang post ng composer na si Lolito Go, sinabi nitong nagsisinungaling si Moira.

Ayon kay Go, nagtanong sa kaniya si Moira tungkol sa presyo niya bilang ghostwriter noong 2022.

“When I told her my price, tinawaran nya ako for 20k per month. I felt so insulted. But I just kept that to myself,” saad ni Go.

Pinagtanggol din ni Go si Jason, kung saan sinabi nito na, “Moira is more of an oppressor than a victim."

“Walang third party on Jason's side... His only sin was he listened to the call of flesh and availed of illicit massage service because Moira couldn't fulfill his sexual needs," dagdag pa ni Go.

Matapos ang tatlong taon na pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Moira at Jason noong 2022.--FRJ, GMA Integrated News

This article Moira Dela Torre, pumalag sa bintang na nagtaksil siya at may ghostwriter pa was originally published in GMA News Online.

2023-05-30T09:10:03Z dg43tfdfdgfd