Nagsimula nang umere ang queer dating reality show na Sparks Camp sa YouTube Channel ng Black Sheep kahapon, May 24, 2023.
Sampung LGBT members ang sasalang sa isang outdoor camp para subukang hanapin ang kanilang perfect match.
Ito ay sina Dan Galman, Nick Deocampo, Gabe Balita, Justin Macapallag, Stanley Bawalan, Karl Bau, Aaron Maniego, Alex De Ungria, Bong Gonzales, at Nat Magbitang.
Pagdadaanan nila ang iba't ibang challenges at games para ma-test ang kanilang chemistry.
Ginanap ang mediacon ng show sa 13th floor ang ELJCC Building ng ABS-CBN sa Quezon City noong Martes, May 23, 2023.
Hindi kasamang humarap ang campers, pero naroon si Melai Habijan, isang transwoman/beauty queen/LGBTQIA+ advocate. Siya ang nagsisilbing host ng show o kung tawagin ay "Mother Sparker."
Read: Transwoman Mela Habijan delivers powerful speech at Cosmo.ph's Women of Influence 2023 dinner
Idinetalye ni Melai ang dapat abangan sa Sparks Camp.
"Interesante kasi yong iba sa kanila mayroon na akong interaction outside of the camp, nakilala ko na sila outside of the camp, habang yong iba naman, bago sa paningin ko.
"So, on my end, habang tinitingnan ko sila, yong interactions nila... iba’t iba sila ng dating histories — mayroong NBSB, mayroon namang jaded na sa pag-ibig.
"Tinitingnan ko as a Mother Sparker kung paano ba magmamahal ulit, magbubukas ng potensiyal na pag-ibig, at paano naman magiging matapang yong NBSB."
PHOTO: Screengrab from Sparks Camp
Ayon sa pamunuan ng Black Sheep, umani na ang Sparks Camp ng three million views sa unang pasilip nito sa bagong series.
Nakapukaw na rin nito ang atensiyon ng netizens na may kanya-kanyang opinyon tungkol sa konsepto ng show.
PHOTO: Screengrab from Sparks Camp
Nababasa raw ito ni Melai.
"Nakipag-usap ako noong kailan sa mga nag-post sa Twitter because on my end, I engage in a conversation kasi sa ganoong paraan, natututo tayo.
"Napapakinggan natin sila and napapakinggan din nila kami. And we keep on discussing it kasi ang gusto naman talaga natin ng isang palabas representing us.
"So, kung hindi tayo makikipag-collaborate, hindi magiging matagumpay tong palabas na nagpi-feature ng LGBTQIA+ people, tayo rin ang matatalo.
"Yong conversation na yon, napakahalaga noon. We welcome the comments, we welcome their perspectives. As we welcome it, we also learn from them.
"Ngayon, nakikita ko naggo-grow and nag-e-evolve ang Sparks Camp, and who knows?
"We’ll be seeing adaptations of Sparks Camp in the future, like girls love edition. Women loving women, pansexual love, trans love.
"Mag-e-evolve siya nang mag-e-evolve hanggang sa lahat ng klase ng pag-ibig ay makikita natin."
Gaano ka-challenging para kay Mela ang maging Mother Sparker?
"I don’t find it a challenge, but I find it a blessing because I get to listen to their stories.
"Dahil napakinggan ko yong mga kuwento nila, mas lumalim yong level ng empathy, na mayroon kaming iba’t ibang pinanggagalingan, at doon nabuo yong connection.
"Sa simula, mayroon kang initial reaction and perception of them. But eventually, noong nakilala ko sila sa segment ng 'Moment of Truth,' napalitan ng panibagong pagtingin yon sa kanila."
Ang director ng Sparks Camp ay si Theodore Boborol, habang ang writer nito ay si Patrick Valencia.
Nagagamit ni Theodore ang karanasan niya sa Pinoy Big Brother, Maalaala Mo Kaya, at Ipaglaban Mo para ilapit ang buhay ng campers sa manonood.
2023-05-25T16:05:49Z dg43tfdfdgfd