MAX COLLINS, TINANONG KUNG ANONG KULAY NG PUSO NIYA NGAYON KUNG TRAFFIC LIGHT ANG PAG-IBIG?

Matapos na aminin na hiwalay na sila ng kaniyang dating mister na si Pancho Magno, anong kulay na kaya ang pag-ibig ni Max Collins kung traffic light ang kaniyang puso?

Ito ang tanong ni Boy Abunda kay Max sa kaniyang show na "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes.

“Kung ang pag ibig ay traffic light, nasa anong kulay ang puso mo ngayon, red, yellow, or green?,” tanong ni Tito Boy sa aktres.

"Yellow," nakangiting sabi ni Max, na indikasyon na handa na siyang mag-move on.

"Wow," sambit ni Tito Boy sa sagot ni Max. "'Pag nasa yellow kasi your looking forward to moving on."

"Yah, moving on," saad ng aktres.

Nang hingan ng paliwanag tungkol sa pag-move on, dito na sinabi ni Max ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Pancho na nangyari noong panahon ng pandemic.

"I'm not looking for anything but I'm not angry [and] I'm not hurt anymore," sabi ni Max sa naturang panayam.

"I learned that you have to be honest with your partner," saad niya. "You have to respect yourself, love yourself enough to leave the table when your needs are not being met."

Sabi pa ni Max, "That's something that I have learned that I need to love myself more to know what makes me happy and what can make me the best version of myself because you only have one life."

Nagsimulang magkaroon ng usap-usapan sa posibleng paghihiwalay nina Pancho at Max nang magkahiwalay nilang idaos ang birthday ng kanilang anak na si Skye noong 2021.

Abangan si Max bilang si Elize sa upcoming action-comedy sitcom na "Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis," na mapapanood sa GMA simula sa June 4. — FRJ, GMA Integrated News

This article Max Collins, tinanong kung anong kulay ng puso niya ngayon kung traffic light ang pag-ibig? was originally published in GMA News Online.

2023-05-29T15:09:46Z dg43tfdfdgfd