GLADYS REYES, NASURPRESA NANG MALAMANG FIRST HONOR AT SALUTATORIAN ANG PANGANAY NA ANAK

- Ibinahagi ni Gladys Reyes ang isa sa mahahalagang araw sa anak niyang si Gian sa pagtatapos nito ng Senior High School

- Nasurpresa si Gladys na nagtapos na first honor at class salutatorian kaya naman tumanggap ito ng kabi-kabilang medalya

- Dahil dito, hindi lang si Gladys at asawa nitong si Christopher ang nakaakyat ng stage para magsabit ng anak kundi pa na rin ang kanyang ina

- Emosyonal naman na nagbigay ng kanyang speech si Gian na binigyang pugay ang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ni Gladys Reyes ang graduation ng kanyang anak na si Christophe na nagtapos bilang first honor at class salutatorian.

Nalaman ng KAMI na nasurpresa sina Gladys nang malaman ang natamong award ng anak.

"Sharing my "surprise moment', I didn't know that my son will be awarded First Honor and class Salutatorian, until it was announced. You could hear my surprised remark from the background. Teachers were not allowed to tell us in advance, all I know is that he has an award."

Kabi-kabilang awards din ang natanggap nito na hindi lang siya at mister nitong si Christopher Roxas ang nakaakyat ng stage para sabitan ng medalya ang anak kundi pati na rin ang ina ni Gladys para naman na Subject Excellence Award.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa kay Gladys, kung nabubuhay lang ang kanyang ama, isa rin ito sa nakaakyat sa entablado para kay Christophe.

"If only my father, his Lolo Abung is stil here to witness all this, he would be ecstatic for sure. I remember when Christophe was younger, his lolo would tirelessly bring and pick him up from school, waiting patiently til his clsses finish."

Sa naturang post ni Gladys, mapapanood din kung paano binigyang pugay ni Christophe ang mga magulang na para sa suporta na naging malaking bahagi ng pagtatapos nila sa senior high school.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Gladys Reyes ay isasa mga kilalang Filipina actress. Una siyang nakilala sa karakter na 'Clara' na teleserye nila ni Judy Ann Santos noong 90's. Doon din niya nakilala at nakasama ang kanya na ngayong mister na si Christopher Roxas. Nabiyayaan sila ng apat na mga anak.

Sa unang naiulat ng KAMI, Nagbahagi pa rin siya ng ilang mga netizens ang kanilang tips para sa lasting relationship.

Masasabing tunay na nakaka-inspire ang kanilang love story dahil sa kabila ng mga showbiz couples na naghihiwalay, sina Gladys at Christopher ay nananatiling matatag sa mga pagsubok ng kanilang pagsasama.

Sa ngayon, abala pa rin sila negosyo habang si Gladys naman ay may dalawang pelikula sa Summer MMFF 2023, ang 'Apag' at 'Here comes the Groom.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

2023-05-30T04:59:52Z dg43tfdfdgfd